Pumanaw na ang South Korean actor na si Song Yung-kyu noong Lunes, Agosto 4, sa edad na 55.
Ayon sa ulat ng isang Korean media, natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa isang residential complex sa Yongin, sa Seoul, bandang alas-8 ng umaga.
Ayon sa pulisya ng Yongin Dongbu, wala silang nakitang palatandaan ng foul play o anumang suicide note sa pinangyarihan.
Habang nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.
Kamakailan lang ay naharap si Song sa kontrobersiya matapos siyang mahuling nagmamaneho nang lasing noong Hunyo.
Humingi siya ng paumanhin sa publiko matapos lumabas ang insidente.
Dahil sa iskandalo, tinanggal si Song sa ilang eksena ng TV series na ”The Defects” at umatras siya mula sa isang theater drama na ”Shakespeare In Love” sa CJ Towol Theater ng Seoul Arts Center.
Kilala si Song sa kanyang mga papel sa ”Extreme Job” (2019), ”Tail Of The Nine-Tailed”, ”Hyena”, pati na rin sa mga international platform gaya ng ”Narco-Saints” at ”Big Bet.”