Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na lalagda na ang pamahalaan ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ng kasunduan na pumapayag na pagsilbihan ng mga mahuhuling convicts ang kanilang mga sintensya sa kanilang bansa.
Ayon kay Justice Usec. Markk Perete napagkasunduan ng dalawang estado na amiyendahan ang tatlong treaty kaugnay ng transfer of sentenced persons, extradition treaty at kasunduan sa mutual legal assistance.
Sa ngayon ay nakahanda ng isumite ng mga opisyal ng dalawang bansa ang kanilang draft, na nakatakda namang aprubahan ng Justice secretaries at pangulo ng parehong bansa.
Kapag naaprubahan, dito na sa Pilipinas ipagpapatuloy ng mga Pinoy na nakapiit sa Saudi ang natitirang taon nila sa kanilang mga sintensya.
Batay sa datos ng DOJ, nasa halos 100 Pinoy ang kasalukuyang nakakulong sa KSA habang higit 1,000 ang iniimbestigahan dahil sa mga kasong pagnanakaw, rape, sexual abuse at drug offenses.