Inaasahan nang maghain ng kanilang application ang US drugmaker na Pfizer para sa expansion ng kanilang emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas para sa kanila namang COVID-19 vaccine para magamit ang naturang produkto sa mga edad 12 hanggang 15-anyos.
Sinabi ito ni FDA Director General Eric Domingo matapos na iniulat ng New York Times na naghahanda na ang US FDA para payagan ang COVID-19 vaccine ng Pfizer na magamit sa mga adolescents sa susunod na linggo.
Magugunita na noong Enero pa nang ginawaran ng Philippine FDA ng EUA ang COVID-19 vaccine ng Pfizer.
Sa paggawad ng EUA, sinabi ni Dominggo na ang naturang bakuna ay gagamitin lamang sa mga edad 16-anyos pataas.
Subalit, iginiit nito na kadalasan ay nagkakaroon din ng expansion sa kanilang pag-aaral ang mga manufacturers para mas maraming indibidwal ang magbenepisyo sa kanilang produkto.