Makikipagpulong umano si President Rodrigo Duterte kasama ang mga health experts ngayong linggo para alamin ang kanilang saloobin hinggil sa muling extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ayon kay Senator Bong Go, marami raw inimbita ang Pangulo at kasama na rito ang dating secretary ng Department of Health (DOH) mula sa iba’t ibang administrasyon.
Layunin umano ng pangulo na kumuha ng payo mula sa mga ito tungkol sa extension ng ECQ o kung may kaunting pagbabago man na dapat gawin.
Nakatakda sanang matapos ang ECQ noong April 13 ngunit pinalawig pa ito hanggang April 30 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dagdag pa ng senador na nais siguraduhin ng gobyerno na may kakainin pa rin ang bawat pamilyang Pilipino, magiging available ang gamot para sa publiko at hindi gaanong maaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas.