Posibleng pagtibayin ngayong linggo ng mga bansang bumubuo sa tinaguriang G20 na i-extend pa ang moratorium sa pagbayad ng mga utang ng mga mahihirap na bansa.
Ayon kay World Bank President David Malpass nakatakdang magsagawa ng virtual meeting ang mga finance ministers ng 20 mga bansa sa Miyerkules kaugnay ng Spring meetings ng International Monetary Fund at World Bank.
Una nang nanawagan si Malpass para sa one-year extension ng Debt Service Suspension Initiative (DSSI) na unang ipinatupad para sa mga mahihirap na bansa na magtatapos sa Hunyo ng taong kasalukuyan.
Samantala ang International Monetray Fund naman (IMF) ay inaprubahan ang ikatlong round ng pautang para sa 28 mga mahihirap na bansa lalo na ang labis na naapektuhan ng pandemya na nagkakahalaga ng $238 million.