-- Advertisements --
skymite

Posibleng mahihirapang maabot ang $127 billion na export target ngayong 2023.

Ayon kay Bianca Sykimte, director of the Export Marketing Bureau, maaaring mahirapang abutin ng Pilipinas ang naturang halaga dahil sa ilang mga geopolitical tension.

Kinabibilangan ito ng tension sa pagitan ng Israel at grupong Hamas, at ang umano’y inflation na labis na nagpapahirap sa pagbangon ng China.

Ayon kay Sykmite, ang export ng ibat ibang mga produkto ay bumaba ng 6.6% sa unang walong buwan ng 2023.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas lamang aniya ang nananatiling matatag sa buong Asian economies na minomonitor ng naturang ahensiya.

Pawang bumaba aniya ang export ng mga bansang Japan, Thailand, hongkong, Vietnam, taiwan, Korea, China, Singapore, Malaysia, at maging ang Indonesia

Ayon sa opisyal, ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa mga bansang Vietnam at Indonesia.

Gayonpaman, posible pa rin umanong mas mataas ang mairerehistrong export ngayong taon kumpara sa nakalipas na taong 2022.