-- Advertisements --

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang isinusulong na “Expanded Wiretapping Law” na malaking tulong umano para labanan ang problema sa terorismo sa bansa.

Paliwanag ni PNP chief police Gen. Oscar Albayalde na hindi naman basta-basta makapag-wiretap sa isang indibidwal kung walang pahintulot ng korte.

Kaugnay nito, pabor din umano ang opisyal na palawigin ang araw na maaring ikustodiya ang isang suspected terrorist.

Kasama ang naturang panukalang batas sa mga iminumungkahing ammendments sa Human Security Act.

Pinawi ng PNP chief ang pangamba na baka magamit sa kalaban ng administrasyon ang panukala.

“This is a very negative thinking lagi, we should look at it on the positive side, ito po ay para sa karamihan na itong mga batas na ginagawa natin ito ang nakikita natin to address future problems,” pahayag ni Albayalde.