Hindi umano sasapaw sa tungkulin ng mga kasalukuyang anti-corruption agencies at constitutional bodies tulad ng Ombudsman ang binuong expanded inter-agency task force na ang mandato ay tugunan at puksain ang laganap na korapsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Sen. Bong Go, ang bagong tatag na expanded inter-agency task force ay patunay sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng totoong pagbabago sa gobyerno at lipunan bago magtapos ang kanyang termino, sa pamamagitan ng mas holistic at whole-of-government approach sa pagpasugpo sa katiwalian.
Paglilinaw ni Go, bagamat may sariling mandato ang Ombudsman para tugunan ang isyu ng korapsiyon, may sarili namang mandato at mekanismo ang bagong tatag na task force na pangungunahan ng Department Of Justice (DoJ) para tutukan ang laganap na katiwalian sa gobyerno.
“Hindi naman po, kasi itong Department of Justice, they lead the task force, mayroon naman mandato ang DOJ na talagang mag-prosecute. It may also create as many panels as it deems necessary, and direct other government agencies to assist or be part of its panels, such as the Office of the Ombudsman, Commission on Audit, and Presidential Anti-Corruption Commission, among others,” ani Go.
Tiniyak naman ni Go na ang expanded task force ay hindi lamang basta mag-iimbestiga, kundi magsasampa rin ng asunto, prosecute, conduct lifestyle checks, recommend suspensions at magpapatulong sa mga pasaway na opisyal na napapatunayang guilty sa corruption.
Si Go ang nagrekomenda sa pangulo sa pagbuo ng bagong task force na mayroong expanded scope para imbestigahan ang mga anomalya sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Ang task force ay mag-o-operate hanggang sa pagtatapos ng termino ni Duterte sa 2022.
“Kung paano tayo magbabayanihan ngayon para labanan ang pandemya, magkaisa rin dapat tayo para puksain ang sakit na korapsyon sa ating sistema. Wala tayong pipiliin, wala tayong sasantuhin. Kasuhan na ang mga dapat makasuhan. Tuluyan ang mga dapat tuluyan. Towards the last one year and eight months of this administration, we must not hesitate in our quest to eradicate corruption,” dagdag ng senador.
Naniniwala naman si Go, chair ng Senate Committee on Health na ang nagpapatuloy na katiwalian ay sagabal sa abilidad ng bansa para malampasan ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
“Noong unang panahon pa lang po noong kampanya, pinangako niya sa tao ang peace and order sa bansa. Noon…po takot ang mga tao na lumabas po dahil nandiyan po ang mga kriminal pero ngayon po baliktad na — ang kriminal na ang takot lumabas dahil yayariin po sila ng gobyerno,” wika ni Go.
Una nang iniulat ng Washington-based analytics and advisory firm Gallup’s 2020 Global Law and Order report na tumaas ang people’s sense of personal security at experiences sa crime at law enforcement sa bansa.
Batay sa News reports, positibo ang pananaw ng mga sumailalim sa survey sa bansa. Naniniwala ang karamihan sa mga respondent sa survey na ginagawa ng tama ng mga otoridad ang kanilang tungkulin.
“Ito po ay isang testamento na patunay na totoo ating kampanya laban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon sa bansa,” saad ni Go.
Inihalimawa pa ni Go ang overseas Filipino parents ay panatag na ang isipan na ligtas at secure ang kanilang mga anak na naiwan sa Pilipinas
“‘Yung OFWs natin na nagtatrabaho sa ibang bansa ay may peace of mind sila para sa mga anak nila na naiwan dito sa Pilipinas. Yan po siguro ang dahilan kaya mataas po ang trust rating ni Pangulong Duterte sa bayan. Maraming salamat po sa atin mga kababayan na patuloy na kooperasyon, so magtulungan po tayo,” pagtatapos ni Go.