-- Advertisements --

Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipinapatupad na expanded number coding scheme sa araw ng Miyerkules.

Kasunod ito sa pagdeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang regular holiday ang Hunyo 28 dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang islamic holidays na ipinagdiriwang sa buong mundo kada taon.

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na sumunod sa batas trapiko dahil sa manghuhuli pa rin sila sa mga lalabag.