-- Advertisements --

Makakatanggap ng expanded insurance coverage ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa harap ng COVID-19 pandemi, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naging vulnerable ngayon ang mga migrant workers dahil sa pandemya kaya sa pamamagitan ng pinalawak na compulsory insurance coverage ay umaasa silang mabibigyan ng proteksyon ang lahat ng mga OFWs.

Giit pa ng kalihim na ang expanded insurance coverage na ito ay libre para sa lahat ng mga OFWs.

Tinitiyak ng expanded insurance policy na ito ang coverage sakali mang mamatay, magkaroon ng disability, mapauwi sa Pilipinas, magkaroon ng medical emergency, at litigation ang isang OFW.

Kapag accidental death, nasa $15,000 ang ibibigay ibibigay bilang survivor’s benefit habang $10,000 naman ang para sa natural death.

Ang insurance provider na rin ang bahala sa arrangement at pagbabayad para sa repatriation.

Para naman sa disability benefits, nasa $7,500 ang ibibigay.

Sakop din sa polisiya ang repatriation, kung ang employment ay tinapos na ng employer na wala man lang valid na dahilan o winakasan ng isang empleyado na mayroon namang just cause.

Ang mga migrant workers na masasangkot sa anumang kaso o litigation ay makakatanggao ng nasa $100 na subsistence allowance benefit kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Tanging ang mga reputable na private insurance companies na duly registered at accredited ng Insurance Commission ang qualified para sa insurance coverage ng mga OFWs.