-- Advertisements --
SUHO

Pansamantalang iiwan muna ng lider ng K-pop boy band na EXO na si Suho ang kaniyang grupo para sa kaniyang military duty.

Ayon sa 29-anyos na si Kim Jun-myeon sa tunay na buhay na magsisimula ang kaniyang military duty sa Mayo 14.

Sa kaniyang social media, ipinahayag nito na kaniyang labis na mami-miss ang grupo.

Hindi naman nito binanggit kung kelan ang petsa at gaano katagal ang nasabing military training nito.