Nagpatawag ng executive session si Senator Francis Pangilinan para talakayin ang national security concerns na dala ng Dito Telecommunity connection sa China Telecom.

Ayon sa senador, kailangang imbestigahan ng mabuti ang mga seryosong implikasyon na posibleng dala ng Dito Telco sa bansa lalo na kung may koneksyon ito sa China.

Pumayag naman si Committee chairperson Sen. Grace Poe sa naging kahilingan na executive session ni Pangilinan.

Isiniwalat din nito na isa ang China Telecom sa 20 kompanya na kasama sa listahan ng United States Department of Defense na may direktang koneksyon sa People’s Liberation Army.

Sa ilalim umano ng People’s Republic of China’s Counter Espionage Law of 2014 at Chinese National Intelligence Law of 2017, bawat Chinese companies ay inaatasan na makipagtulungan hinggil sa intelligence gathering at data gathering.

Bawat kumpanya rin na pagmamay-ari ng Chinese national ay dapat magsagawa ng espionage activities at kaagad i-report sa gobyerno ang mga impormasyon na kanilang makakalap.

Ikinaka-alarma rin ng senador ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at Dito Telco upang makapagtayo ng cell towers sa loob ng mga military camps.