Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Siocon, Zamboanga del Norte Mayor Cesar Soriano mula sa kasong perjury kaugnay ng maanomalyang state of assets, liabilities and net worth (SALN).
Ayon sa anti-graft court, bigo ang prosekusyong patunayan ang reklamong hindi pagsasali ni Soriano sa ilang negosyo na pag-aari umano nito.
“The prosecution failed to show accused’s conscious, malicious concealment in executing his SALN. It could have done so by presenting circumstantial evidence that would tend to prove his malicious intent, such as proof of actual operation of said businesses.”
“It could likewise have presented positive testimony that accused wished to conceal the fact of the operation of such businesses from the public by not declaring them in his SALN.”
Bukod sa pagkaka-absuwelto sa kaso, inalis na rin ng korte ang hold departure order na ipinataw sa dating alkalde.
Sa kabila nito, nahaharap pa rin si Soriano sa kasong paglabag sa Revised Penal Code.
Samantalang guilty plea ang inihain nito para sa kanyang kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials dahil sa pagkabigo nitong maisumite ang kopya ng SALN sa itinakdang deadline.
Nananatili namang at large ang kapwa akusado nitong si dating Vice Mayor Perliza Soriano.