-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagtulong ng tinaguriang pinakamayamang babae sa mundo na si MacKenzie Scott.
Sa kaniyang social media inanunsiyo nito na kasama niya ang asawang si Dan Jewett ay magbibigay sila ng $2.74 billion na donasyon sa 286 organisasyon kabilang dito ang mga arts nonprofits at grupo na na lumalaban sa racial discrimation.
Si Scott ay ikinasal kay Amazon founder Jeff Bezos ng magdesisyon silang maghiwalay noong 2019 matapos ang 25 taon na pagsasama.
Mayroon din itong 4 percent sa Amazon stock na nagkakahalaga ng $36 billion at dahil sa pagtaas ng stock price ay kumita ito ng karagdagan $8 billion.
Base sa Forbes magazine, mayroong yaman si Scott na $60 billion.