-- Advertisements --
image 315

Muling na-indict si dating US President Donald Trump sa pagkakataong ito dahil sa 2020 election subversion case sa Georgia.

Ito na ang ika-apat na kasong kriminal laban kay Trump. Kasamang na-indict ang 18 iba pang defendants sa naturang kaso.

Nag-ugat ang naturang imbestigasyon matapos na mabulgar ang isang phone call kung saan hiniling ni Trump sa top election official ng Georgia na humanap ng 11,780 votes.

Matatandaang tinalo ni US Pres. Joe Biden si Trump sa state of Georgia noong 2020 Presidential election.

Una ng na-indict o binasa ang sakdal sa tatlong magkakahiwalay na kaso laban kay Trump na siyang frontrunner ng Republican Party para sa 2024 Presidential elections ngayonng taon kabilang dito ang alegasyon sa 2020 election interference, hush money na ibinayad sa porn star at hoarding ng classified documents.

Subalit itinanggi naman nito ang mga ibinabatong kasong kriminal laban sa kaniya at sinabing politically motivated lamang ang mga ito