-- Advertisements --
image 481

Arestado ngayon si dating United States President Donald Trump sa ika-apat na pagkakataon ngayong taon.

Ito ay kaugnay sa kasong kinasangkutan niya at ng 18 iba pa sa pagmamanipula sa resulta ng 2020 elections.

Dahil dito ay nahaharap ngayon sa racketeering at conspiracy charges si Trump, habang pinagmumulta rin siya ng USD200,000 bond na halaga matapos ang kaniyang kusang pagsuko sa mga otoridad sa Fulton County Jail kung saan kinuhanan din ang dating presidente ng historic mugshot.

Ayon kay Trump na ngayon ay mayroong inmate no. P01135809, ang mga kasong kaniyang kinakaharap ay politically motivated nang dahil sa kaniyang planong pagtakbo muli bilang pangulo ng Estados Unidos sa gaganaping presidential elections sa susunod na taon.

Sa kabila nito ay nanindigan pa rin si Trump na wala siyang kasalanan at alam aniya ito ng lahat kasabay ng paglalarawan sa pangyayaring ito bilang “travesty of justice”.

Samantala, marami pa rin ang sumusuporta sa dating presidente na ang iba pa ay nagtipon-tipon sa labas ng naturang jail facility upang magpaabot ng suporta.