Tuluyan nang pinalaya ng hukuman ang dating US army intelligence at Wikileaks source na si Chelsea Manning matapos nitong makulong dahil sa pagtanggi na tumestigo laban sa Wikileaks.
Lumabas ang desisyon na ito matapos kumpirmahin ng mga otoridad na nagtangka ang 32-anyos na kitilin ang sariling buhay habang nasa loob ng detention center sa Virginia.
Nakatakda sana itong humarap sa korte sa bukas ngunit napagdesisyunan umano ng mga hukom na hindi ito kinakailangan.
Hinatulang guilty si Manning noong 2003 sa salang espionage dahil sa di-umano’y pagsisiwalat nito sa mahahalagang sikreto tungkol sa military files ng Wikileaks.
Hiniling naman ng mga abogado nito na tanggalin ang naipong multa ngunit hindi ito pinayagan ng mga hukom at kailangan umano na bayaran ito ng buo ni Manning. Tinatayang nagkakahalaga ang multa ng $250,000 (P12,720,059) dahil sa pagtanggi nito na makiisa sa imbestigayon.