-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating prime minister ng Thailand na si Prem Tinsulanonda sa edad 98.

Ang dating army general ay nagsilbing prime minister mula 1980 hanggang 1988 ay pumanaw sa Bangkok hospital nitong Linggo.

Naging pinagkakatiwalaang advisor si Prem ng pumanaw na si King Bhumibol Adulyadej.

Itinuturo siyang nasa likod ng 2006 coup laban kay Prime Minister Thaksin Shinawatra.

Taong 1980 ng maging ika-16 prime minister ng bansa na hinawakan niya ng walong taon.