Tiniyak ni dating House Speaker at Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez sa pagdinig ng House Committee on Ethics sa darating na Huwebes (May 16).
Ito ay kaugnay sa ethics complaint na inihain ni Tagum City Mayor Rey Uy laban kay Alvarez.
Kinumpirma rin ni Alvarez na nagsumite na siya ng kanyang reply o tugon sa “notice” na ipinadala ng House Ethics panel.
Siniguro naman ni Alvarez na handa niyang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Si Alvarez ay sinampahan ng reklamo dahil umano’y paglabag sa code of conduct, disorderly behavior, at iba pang batas.
Kabilang sa mga alegasyon sa kanya ay ang “libelous remarks” niya sa mga opisyal ng Davao del Norte; “habitual absenses” o hindi pagpasok sa Kamara; at ang umano’y “seditious statements” niya laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. partikular ang paghimok sa militar at pulisya na bawiin ang suporta sa presidente.