Hinimok ng isang house leader si dating Speaker Pantaleon Alvarez na magbigay na lamang ng solusyon hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea imbes na ipanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Kinuwestiyon ni House Deputy Majority Leader Janette Garin, ang katwiran sa panawagan ni Alvarez gayong ang isang halal na opisyal ay maaari lamang alisin sa pwesto ng mismong mga bumoto sa kaniya.
Ayon sa Iloilo solon na matagal nang isyu ang territorial dispute sa WPS at hindi lang ito sa pagitan ng Pilipinas at China dahil mayroon din iba pang claimant countries gaya ng Vietnam, Thailand, Taiwan, at Malaysia.
Kaya naman hindi aniya ito mareresolba overnight.
Ipinunto ni Garin na ang mahalaga sa ngayon ay ipinapakita ng administrayong Marcos na hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit na isang pulgada ng teritoryo ng bansa.
Naniniwala naman ang House Leaders na ang panawagan ni Alvarez ay para madaliin ang pag-upo sa pwesto ni Vice President Sara Duterte.









