-- Advertisements --

Inamin ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na interesado na rin siyang tumakbo bilang presidente ng bansa, para sa darating na 2022 elections.

Kasunod ito ng pagnanais ni Vice President Leni Robredo na tumakbo bilang gobernador ng Camarines Sur at hindi bilang pangulo.

Ayon kay Trillanes, kinonsulta naman niya ang mga opisyal at kasapi ng 1Sambayan, para sa kaniyang ambisyon.

Hindi nya raw nais na mahati ang oposisyon, kaya kinausap niya agad ang iba pa nilang kasamahan, habang papalapit ang halalan.

Pero handa naman daw itong umatras, kung itutuloy ni VP Robredo ang pagtakbo sa presidential elections.