Maliit na improvement lamang ang ipinapakita ng dating senador at multi awarded actor na si Ramon Revilla Sr., sa ilang araw na pananatili sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig.

Ayon sa senador at celebrity ding si Bong Revilla, totoong stable ang kondisyon pero nasa ICU (intensive care unit) pa ang kanyang ama.

Nitong May 31 nang isugod sa ospital ang 93-year-old former senator matapos mahirapan sa paghinga, pero hindi pa isinasapubliko kung may iba pang dahilan.

Bong on dad June 2

Taong 2015 nang unang maospital si Revilla Sr., at kinailangang sa intensive care unit dahil sa aspiration pneumonia.

Si Revilla Sr., ay naging senador mula 1992 hanggang 2004 at minsan ding naging award winning actor para sa mga hit movies na “Nardong Putik,” “Pepeng Agimat,” at iba pa.