-- Advertisements --

Agad hiniling ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos sa Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na magtakda na ng preliminary conference at payagan siyang magsmumite ng ebidensiya kaugnay ng umano’y iregularidad sa vice presidential elections noong 2016.

Ang dating senador ay nagsumite ng kanyang extremely urgent motion sa Korte Suprema.

Ang pagususmite sa mosyon ay kasunod ng pagtatapos ng revision proceedings sa mga pilot provinces kabilang ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Alinsunod umano sa 2010 Rules of the Presidential Electoral Tribunal, ang pagtatapos ng revision proceedings ay dapat na sundan ng pagtanggap ng ebidensiya.