-- Advertisements --

Pasok pa rin sa listahan ng pinakamayang tao sa buong mundo si dating senator Manny Villar.

Sa inilabas na listahan ng Forbes magazine ay nasa pang-190 ang dating senate president.

Base sa pagtaya ng Forbes na mayroon itong kabuuang yaman na $11 bilyon.

Siya rin ang tanging Pinoy na nasa listahan ng Forbes ngayong taon.

Kasama niya sa listahan na pag-190 na may parehas na yaman sina Brian Chesky, 42-anyos mula sa US, Barry Lam, 74-anyos mula sa Taiwan at Mikhail Prokhov, 58-anyos mula sa Russia.

Nasa unang puwesto naman si French Bernard Arnault ang CEO ng pinakamalaking luxury bag na may kabuuang yaman na $233-B na sinundan ni Elon Musk mula US na mayroong kabuuang yaman na $195-B.

Nasa pangatlong puwesto naman si Jeff Bezos na mayroong kabuuang yaman na $194-B, habang pang-apat sa puwesto si Mark Zuckerberg na mayroong yaman na $177-B, pang-lima sa listahan si Larry Ellison na mayroong yaman na $141-B.

Ang 68-anyos naman si Bill Gates ay nasa pang-pitong puwesto