Umaasa si dating Senator Leila de Lima na makikipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y pang aabuso sa karapatang pantao na nagawa sa kampanya kontra iligal na droga ng nakalipas na Duterte administration.
Ayon sa dating Senadora, umaasa itong papayagan ng Marcos administration na makapasok sa bansa ang mga ICC investigator.
Bagamat mas mapapadali aniya ang imbestigasyon sakaling papayagan ang pagpasok ng ICC investigator, naniniwala ang dating mambabatas na mayroon ng nagpapatuloy mga hakbang na ginagawa ang mga imbestigador ng ICC kahit na nasa labas ng PH gaya ng pakikipag usap sa mga testigo at depositions o proseso ng paghahain ng sinumpaang ebidensiya/salaysay.
Ang pahayag ng dating senadora ay kasunod naging komento ni Solicitor General Menardo Guevarra kung saan iginiit nito na hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng PH sa ICC dahil naninindigan ang administrasyon na ang pagpapahintulot sa ICC na imbestigahan ang war on drugs sa bansa ay pag-amin na hindi gumagana ang legal at judicial system sa ating bansa.