Personal na binisita at kinumusta ni DILG Secretary Benhur Abalos si dating Sen Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa loob ng Camp Crame matapos na ihostage ng tatlong miyembro ngAbu Sayyaf Group sa pangunguna ni Idang Susukan.
Sinaksak ng isang preso ang isang pulis na guwardia at tumakas kasama ang dalawa pang iba.
Subalit agad naman na neutralized ang dalawa sa tatlong escapees ng sniper guards habang papatakas.
Ayon kay Sec Abalos habang ang pangatlonf preso dumaan sa isang alley malapit sa lugar kung saan ang detention facility ni Sen. De Lima pumasok ito at hinostage ang senadora.
Dito tinalian si De Lima piniringan sa mata at nag-demand ng kung anu-ano gaya ng helicopter at iba pa.
Sa isinagawang negosasyon ni Col. Mark Pespes nakitaan nito ng magandang oportunidad para ineutralize ang preso at nabaril nito sa ulo.
Ligtas at nasa maayos na kondisyon si De Lima pero bakas sa itsura nito na trauma sa insidente.
Sa panayam kay Sec. Abalos sa Camp Crame sinabi niya na batay sa utos ni PBBM na bibigyan o ililipat si de lima ng ibang facility para mas maging ligtas ito.
Gaya ng facilities na ginamit nuon nina Sen. Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Subalit ayon kay abalos tumanggi si De Lima at pinili nito na manatili sa kaniyang facility.
Inatasan na rin ni Abalos ang PNP para magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente at baguhin ang mga protocols sa loob ng PNP Custodial Center.
Nais din mabatid ng kalihim kung mayroon lapses sa hanay ng mga namumuno sa piitan.
Sa ngayon pansamantala munang sinuspinde ang visiting hours sa Custodial Center.
” May taong nagdala ng pagkain, may sniper sa ibabaw at duon sa isang selda isang nakakulong, tinulak siya at bigla siyang pinagsasaksak at bigla pang binuksan yung dalawang selda at sila ay tumakbo, yung ating pulis na nasaksak of course tumakbo din siya at hinahabol siya ng tatlong ito at yung nasa ibabaw na sniper na neutralize niya kaagad yung dalawa, yung isa ngayon tumakbo napunta siya sa compound ni Sen. De Lima at duon nagkaroon ng threat sa buhay ni senator siya ay ginapos,tinakot at kung anu-ano pang demand,” pahayag ni Sec. Benhur Abalos.