-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si dating San Juan City Mayor Guia Gomez.
Ayon sa anak nito na si dating Senator JV Ejercito sana raw ay hindi ito magiging malala.
Nanawagan ito sa mga followers na ipagdasal na lamang ang ina.
Ito na ang pangalawang beses na dinapuan ang dating alkalde ng San Juan na ang una ay noong Disyembre 2020.
Nitong Abril 13 naman nang magpositibo rin sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph Estrada kung saan dinala pa ito sa Intensive Care Unit dahil sa paglala ng sakit nito.