Inireklamo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang dating alkalde nito na si Herbert Bautista at dalawang former officials kaugnay ng isang P25-milyon contract na hindi umano dumaan sa approval ng Sangguniang Panlungsod.
Batay sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ng QC government na paglabag sa Local Government Code ang paggawad ng tatlong akusado sa Cygnet Energy and Power Asia ng kontrata para sa solar power at water proofing ng siyudad.
Inaprubahan din umano ni Bautista ang pag-release ng pondo kahit bigo ang ginawarang contractor na i-deliver ang mga kinailangang materyales.
Paglanag daw ito sa Terms of Reference ng kontrata at Government Auditing Code.
Kasama ni Bautista na pinakakasuhan sina dating city administrator Aldrin Cuña at former city enginner Joselito Cabungcal.