-- Advertisements --

Inihirit ngayon ni dating US President Donald Trump sa federal judge sa Florida na puwersahin ang Twitter para ibalik ang kanyang account.

Kung maalala, buwan ng Enero nang sinuspindi ng kumpanya ang Twitter ng dating pangulo.

Una rito, naghain ng mosyon ang abogado ni Trump sa District Court sa Miami.

Humiling sila ng preliminary injunction laban sa Twitter at CEO na si Jack Dorsey.

Base sa mosyon, sini-censor daw ng Twitter ang mga post ni Trump na paglabag sa kanyang First Amendment rights, according to the motion.

Tumanggi munang magkomento ang Twitter sa mosyon ni Trump.

Nag-ugat ang permanenteng pag-ban kay Trump sa kanyang platform ilang araw matapos bumuhos ang mga bayolenteng followers ng dating pangulo sa Capitol building para harangin ang Congress na siyang magsesertipika sa pagkapanalo bilang pangulo ni Joe Biden.