Inaasahang boluntaryong susuko ngayon araw sa Fulton County Jail si dating US President Donald Trump.
Inakusahan kasi si Trump at 18 mga dating gabinete nito nagtulong-tulong para baligtarin ang resulta ng halalan noong 2020 kung saan nagwagi si President Joe Biden.
Ayon sa korte na pumayag si Trump na magbayad ng $200,000 bond at ilang mga release condition.
Una rito ay sumuko na rin ang dating abogado nito na si Atty. Rudy Giuliani kung saan nahaharap din ito sa 13 kaso sa halalan sa Georgia.
Kasamang sumuko ni Giuliani si Sidney Powell ang dating election lawyer ni Trump.
Si Powell ay pinatawan ng $100,000 na bail agreement sa prosecutors.
Si Powell ay naglabas ng mga walang basehan na teorya ukol sa pandaraya sa halalan kung saan kasama siya sa White House ni Trump ng planuhin nila ang nasabiing pagbaligtad ng resulta ng halalan.