-- Advertisements --

paolo1

Nakipagpulong kamakailan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang panganay na anak na si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte, kasama ang kanyang apo at kapangalan na si Rodrigo “Rigo” Duterte II sa tirahan nito.

Sa nasabing pulong kanilang pinag-usapan ang buhay ngayon ng nakatatandang Duterte pagkatapos ng kanilang pamumuno sa bansa at ang mga hakbangin sa kongreso ni Rep. Duterte at ang mga plano ni Rigo para sa hinaharap.

Hinimok ng dating Pangulo ang 24-anyos na si Rigo na panatilihing bukas ang kanyang mga opsiyon bago gumawa ng anumang desisyon kung papasok sa serbisyo ng gobyerno o maging isang pribadong mamamayan.

Si Rep. Duterte, sa kanyang panig, ay hinimok ang kanyang anak na si Rigo na isangkot ang kanyang sarili sa paglilingkod sa mga Dabawenyo. Ang tatak ng Duterte na serbisyo publiko ay nakakuha ng lubos na tiwala at kumpiyansa ng mga Dabawenyo sa loob ng ilang dekada na.

Ilan sa mga aktibidad ng mambabatas sa kaniyang distrito ay ang anak nitong si Rigo ang kumatawan.

Kamakailan pinangunahan ni Rigo ang turnover ng isang gymnasium at punerarya na Lamayan ng Bayan sa Barangay Talomo, at namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa Barangay 76-A Bucana sa lungsod na ito.