-- Advertisements --

Pinasalamat ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa agarang pag-apruba sa isinusulong nitong panukalang batas ang dating House Bill No. 2625 at ngayon ay Republic Act No. 11977 ang pagtatatag ng “Pampanga State Agricultural University-Floridablanca Campus” ang PSAU-Floridablanca Campus ay matatagpuan sa bayan ng Floridablanca,Pampanga.

Binigyang-diin ni Representative Arroyo na ang pag-apruba ng Pangulong Marcos sa PSAU-Floridablanca law ay patunay ng kaniyang commitment na magbigay ng isang dekalidad na higher education sa mga Filipinong mag-aaral at ang pagpapabuti ng buhay ng mga magsasaka.

Ayon kay dating Pangulong Arroro malaki ang bahagi ng PSAU-Floridablanca sa pagpapabuti sa buhay ng kaniyang mga residente at benepisyo para sa mga estudyante at magsasaka sa anim na bayan sa ilalim ng kaniyang distrito.

“The establishment of PSAU-Floridablanca brings great benefits to the students and farmers of all six towns of my district. Most of my constituents earn a living from agriculture and in-land aquaculture, so I foresee a boom in their incomes when they gain access to the new technologies and research findings, through their children who will study in PSAU- Floridablanca or through the school’s extension services, ” pahayag ni Rep. Arroyo.

Ang PSAU-Floridablanca Campus ay mag-aalok ng mga short-term, technical-vocational, undergraduate, at graduate courses sa loob ng areas of competency at specialization.

Sa ilalim ng batas, ipinag-utos nito na “magsagawa ng mga serbisyo sa pananaliksik at extension, at mga aktibidad sa produksyon bilang suporta sa pag-unlad ng sosyo-ekonomiko at upang magbigay ng progresibong pamumuno sa mga lugar na ito.