-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19 si dating pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Ayon sa kaniyang anak na si dating Sen. Jinggoy Estrada, nanghihina ang dating pangulo kaya ito itinakbo sa pagamutan.

Bagamat stable ang kalagayan ng 83-anyos na si Estrada ay patuloy ang paghingi ng dasal nila para sa agarang paggaling ng ama.

“Stable po ang kanyang kundisyon at ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” wika ni dating senador Jinggoy.

Maging ang iba pang kaanak ay nanawagan din ng pagdarasal para sa paggaling ng dating presidente matapos na madapuan ito ng COVID-19.