-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Ronald Dela Rosa.
Sinabi ng dating pangulo na mula pa noon ay kilala na nito ang senador at lahat ng mga impormasyon na hawak nito ay may katotohanan.
Naniniwala din ang dating pangulo na may sapat na ebidensiya ang senador dahil sa dati itong nanungkulan sa PNP.
Magugunitang inilabas umano ng senador ang nag-leak na dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagdadawit kay Pangulong Ferdinand Marcos sa iligal na droga.