VIGAN CITY – Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga otoridad hinggil sa pagpatay sa dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) kahapon sa Barangay Poblacion Este, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

-- Advertisement --

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang biktima na si Alex Lagmay, 45-anyos na residente ng nasabing lugar.

Naglalakad umano pauwi ang biktima nang barilin ito ng mga hindi pa kilalang suspek.

Naitakbo sa Ilocos Sur District Hospital- Sta. Lucia ang biktima ngunit idineklerang dead on arrival.