-- Advertisements --

ANGELES CITY – Patay ang dating bise alkalde ng Masantol, Pampanga matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Angeles City.

Batay sa ulat, nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril ang guwardiya ng Blue Gems Security Agency sa Barangay Maragul nitong Sabado ng umaga.

Matapos nito ay nakita na lang niya na duguan at wala ng buhay si dating Vice Mayor Erick Cariaga.

Patay din ang kasama nito na si Jorge Bustos III, operations manager ng nabanggit na kompanya.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang krimen.

Pinag-aaralan na rin daw ang CCTV (closed circuit television) ng lugar para matunton ang mga suspek.