-- Advertisements --
Nasa Pilipinas ngayon si dating NBA player Nick “Swaggy P” Young.
Kabilang kasi ang dating Los Angeles Lakers player sa basketball team ng bansa na Strong Group na sasabak sa 32nd Dubai International Championship na magsisimula sa Enero 27.
Makakasama rin nito sa paglalaro si dating San Miguel Beermen import Shabazz Muhammad.
Mainit naman sila sinalubong ni Strong Group head coach Charles Tiu.
Ilan sa mga manlalaro na makakasama ni Young ay sin dating PBA import Renaldo Balkman, Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame at Filipino American Guard Sedrick Barefield.
Huling nakuha ng Pilipinas ang titulo ng magrepresent ang Mighty Sports ay noong 2020 at ito ay natigil ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.