Sumakabilang buhay na ang dating pinuno ng isang pangunahing crime gang sa New York na si Carmine “The Snake” Persico sa edad na 85-anyos.

Ayon sa kanyang abugadong si Benson Weintraub, pumanaw umano si Persico sa kumplikasyon sa diabetes sa Duke University Medical Center, na hindi kalayuan sa piitan nito sa Butner, North Carolina kung saan nito tinatapos ang kanyang 139-taong sentensya.

Ani Weintraub, 36 taon pa lamang ang natatapos ng kanyang kliyente.

Sinasabing naipagpatuloy umano ni Persico ang pagpapalakad sa Colombo crime family kahit nasa loob ng kulungan.

Noong huling bahagi ng dekada 80 nang mapatunayan itong may sala sa kasong racketeering at murder. (CNN)