-- Advertisements --

Kumpirmadong kumakalas na ang ilang endorsement ni Miss Universe Malaysia 2017 Samantha Katie James.

Ito’y halos isang linggo matapos ulanin ng batikos dahil sa kanyang kontrobersyal na pananaw hinggil sa #BlackLivesMatter movement.

Una sa mga umatras ng kanilang koneksyon sa Malaysian beauty queen ay ang isang cosmetics company na sinabing hindi nila kinukunsinti ang ipinakitang discriminatory behaviour ni Samantha.

https://www.instagram.com/p/CA5I8inBCBJ/?utm_source=ig_embed

Maging ang mismong national director ng Miss Universe Malaysia Organization (MUMO) ay nilinaw na matagal na silang walang koneksyon kay Samantha dahil tinalikuran nito ang dapat sanang tatlong taong kontrata.

“I did not expect this especially three years down the road after she finished her reign with us for us to get this kind of backlash,” saad ni MUMO national director Datin Elaine Daly.

Dagdag nito, “It’s not about putting a girl in a bikini and it’s not just having a pretty face there. It’s giving you a pedestal, a voice to speak out about the right things, not the wrong things like what she (James) has done. She has not done the right thing at all, I’m shocked.”

Si Daly ay isang qualified lawyer na kinoronahang Miss Malaysia Universe 2003.

Nabatid na nag-sorry na ang beauty queen sa pagpayo sa mga “black people” na mag-relax at itrato bilang pagsubok ang race protests sa Amerika, pero kinalaunan ay tila napikon na sa mga hindi pa rin natigil na batikos.

https://www.instagram.com/p/CBCmTP9gOIX/