Humingi ng paumanhin si 2014 Miss Kentucky Ramsey BethAnne Bearse matapos nitong maghain ng guilty plea makaraang kumalat ang nude photos nito kasama ang isang menor de edad.

Personal na nagtungo si Bearse sa Kanawha County Circuit Court sa Charleston, West Virginia noong Martes upang aminin ang nagawang pagkakamali.

Nagtrabaho noon bilang isang guro si Bearse sa Andrew Jackson Middle School kung saan doon din nag-aral ang 15-anyos na biktima nang mangyari ang nasabing insidente.

“I’m sorry that I made a mess of things,” saad ni Bearse. “I made a mistake.”

Paglalahad ng dating beauty pageant crown holder, nagsimula umano sa inosenteng usapan ang pag-uusap nang dalawa hanggang sa mauwi na ito sa paglalahad ni Bearse ng kaniyang mga personal na problema sa naturang estudyante.

Inamin din ng akusado na hindi nito sinasadyang magpadala ng kaniyang hubad na larawan sa biktima na dapat sana ay para sa kaniyang asawa na laging busy sa trabaho at unti-unting nawawalan ng oras sa kanilang relasyon.

“In addition, since I moved to West Virginia, I felt like I was completely alone. None of my family lives here, and I didn’t have any friends,” kwento pa ni Bearse.

Ngunit nag-panic na raw si Bearse nang humingi pa ulit ng kaniyang mga larawan ang estudyante.

Una nang inaresto at kinasuhan ang beauty queen noong December 2018. Haharap si Bearse sa dalawang taong pagkakakulong at inaasahan na sentensyahan ito sa susunod na buwan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here