-- Advertisements --

Nagpapagaling na ngayon si dating Makati City Mayor Dr. Elenita Binay, matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ng kanilang pamilya, maging si dating Vice President Jejomar Binay ay sumailalim din sa pagsusuri, ngunit nag-negatibo naman ang dating opisyal.

Pero si Sen. Nancy Binay na na-expose din sa kaniyang ina ay kinailangan na ring mag-quarantine.

Maliban dito, nagsasagawa rin ng contact tracing sa iba pang nakahalobilo ng dating alkalde ng Makati sa mga nakalipas na araw.