-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio na nagmamay-ari ang kanyang pamilya ng iba’t ibang real estate developments sa isla ng Boracay.

Paglilinaw ito ni Carpio matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na ilang real estate developments sa Boracay ang natuklasan ng Department of Environment and Natural Resources na pagmamay-ari ng pamilya Carpio.

Ayon kay Carpio, sakahan sa Boracay ang pagmamay-ari ng namayapa niyang lola na pinaghati-hatian ng pitong anak nito at kalaunan ay ipinamana rin sa kani-kanilang mga anak.

Noong 1910s pa aniya iyon, at ang land title sa naturang sakahan ay nasa ilalim pa ng Torrens system mula 1927 hanggang 1932.

Pero, ang kanilang parte pati na rin ng kanyang mga kapatid ay naibenta na halos lahat.

Ang mga lupain na ito ay sinabi ni Pangulong Duterte sa Department of Agrarian Reform na gawing subject sa land reform Department of Agrarian Reform.