-- Advertisements --
Inihatid na sa huling hantungan si dating Italian Italian prime minister Silvio Berlusconi.
Nagsagawa ng state funeral mula sa knaiyang villa sa Arcore sa Gothic Doumo City.
Napuno ng mga supporters at mga mamamayan nito ang kalsadang dinaanan ng kaniyang bangkay.
Naging pribado naman para lamang sa mga pamilya at malapit na kaibigan ang isinagawang misa sa cathedral.
Kabilang sa mga matataas na opisyal na dumalo sa libing ay si Italian President Sergio Mattarella at ilang mga mataas na opisyal ng Italy.
Naulila ng 86-anyos na lider ang 33-anyos na nobyang si Marta Fascina na kaniyang nakasama hanggang sa huling sandali nito.