-- Advertisements --
Hinatuling guilty ng Sandiganbayan si dating San Dionisio, Ilolilo Mayor Peter Paul King Lopez matapos mapatunayang in-appoint nito ang kanyang anak bilang opisyal ng munisipyo noong 2015.
Batay sa desisyon ng 3rd Division, sinabi ng anti-graft court na napatunayan ng prosekusyon ang paglabag ni Lopez sa Local Government Code at Civil Service Code dahil sa nepotismo.
Ito’y kaugnay ng reklamo sa pagtatalaga umano ng dating alkalde sa kanyang anak na si Carlos Paul Lopez bilang ng Acting Municipal Licensing Officer.
Hindi pinansin ng korte ang depensa ni Lopez na nagsabing “designation” at hindi “appointment” ang pagtatalaga niya sa anak.
Gayundin na hindi naman daw ito nakatanggap ng sahod o ano mang benepisyo.