Nahaharap sa kaso ang dating heavyweight boxer na si Goran Gogic dahil sa pagpupuslit nito ng mahigit $1 bilyong halaga ng cocaine sa pantalan ng US.
Naaresto ang 43-anyos na Montenegrin boxer nitong Linggo ng tangkain niyang sumakay sa international flight mula Miami.
Nasampahan na ng kasong one count of conspiracy dahil sa paglabag sa Maritime Drug Law Enforcement Act at three counts ng paglabag sa Maritime Drug Law Enforcement Act.
Sakaling mahatulan ay mahaharap ito ng pagkakakulong ng 10 taon.
Naniniwala si Breon Peace, United States Attorney for the Eastern District of New York, na maaring inuunti-unti ni Gogic na ipuslit ang droga at ito ay posibleng tumimbang ng mahigit na 20 tonelada.
Mula kasi nong 2018 at Hulyo 2019 ay may mga naipuslit na si Gogic na ang droga ay galing umano sa Colombia at isinasakay sa commercial cargo ship.
Nakakulong na si Gogic kung saan ayon sa abogado nito ay inosente siya.
Umabot ng 11 taon ang boxing career ni Gogic mula 2001 hanggang 2012 at ito ay nagretiro na mayroong 21 panalo, apat na talo at dalawang draws.