-- Advertisements --

Pinagbawalan ng korte si ex-football chief ng Spain na si Luis Rubiales na lumapit ng hanggang 200 meters sa footballer na si Jenni Hermoso.

Ang nasabing hakbang aniya resulta ng hiling ng prosecutors sa national court sa Madrid matapos na sampahan ng criminal complaint ng sexual assault at coercion si Rubiales.

Sa pagdalo nito sa korte ay mariing itinanggi ni Rubiales ang nasabing alegasyon at ipinagpilitan nito na ang ginawa nitong paghalik ay ipinalaam niya.

Magugunitang umani ng batikos ang ginawang paghalik ni Rubiales na naganap ng magkampeon ang Spain sa FIFA Womens World Cup ng talunin nila ang Australia.

Dahil sa insidente ay sinuspendi ng FIFA si Rubiales subalit nagdesisyon ito na magbitiw sa puwesto nito kasama na ang pagiging vice president UEFA ang football federation sa Europe.