-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan ng Scotland ang dating first minister nila na si Nicola Sturgeon.

May kaugnayan ito sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa finances ng Scottish National Party (SNP).

Siya na ang pinakahuling mataas na opisyal na inaresto at iniimbestigahan na may kaugnayan sa nasabing usapin.

Unang naaresto ang asawa nitong na dating SNP chief executive na si Peter Murrell at pinakawalan din.

Magugunitang noong Pebrero ay inanunsiyo ng 52-anyos na si Sturgeon ang kaniyang pagbibitiw sa puwesto matapos ang siyam na taon na panunungkulan.