Pinanindigan ng dating administrasyong Duterte na walang anumang kasunduang pinasok si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China hinggil sa West Philippine Sea.
Ayon kay dating chief Presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na tatlong dating miembro ng administrasyong Duterte na ang nagsabi na walang kasunduan opisyal man o informal na isinara si dating Pangulong Duterte sa pagitan ng China partikular sa Ayungin shoals o BRP Sierra Madre.
Kabilang aniya sa mga dating cabinet members na ito ay sina dating defense secretary Delfin Lorenzana at dating DILG Secretary Eduardo Ano.
Ayon kay Panelo, naroon siya nang nag state visit si dating Pangulong Duterte sa China at maging sa dayalogo nila Chinese President Xi Jin Ping.
Naniniwala si Panelo na misinformed si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa umano’y gentleman’s agreement.