-- Advertisements --

Pinuri ni dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling simulan ang petroleum exploration sa West Philippine Sea.

Nasa tamang landas aniya ang hakbang na ginawa ng presidente upang tapusin ang issue na bumabalot sa naturang disputed area.

Hindi rin daw ito nakakakita ng problema kung makikipagtulungan ang bansa sa China para mag-develop ng energy projects basta dapat ay siguraduhing naaayon ito sa batas.

Dagdag pa ni Del Rosario, ang pagtanggal sa moratorium ng oil exploration sa West Philippine Sea ay isang constructive move ng pangulo.

Una nang inanusyo noong Biyernes ni Energy Secretary Alfonso Cusi na tatanggalin na ang anim na taong moratorium sa oil at gas exploration sa nasabing karagatan.

Umaasa naman si Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na magdudulot ito ng mas maayos na samahan sa pagitan ng China at Pilipinas.