-- Advertisements --

Binigyan pugay ng liderato ng Kamara ssi dating Deputy Speaker Ma. Amelita “Girlie” Calimbas-Villarosa sa necrological service na isinagawa sa Batasang Pambansa.

Si Calimbas-Villarosa ay binawian ng buhay dahil sa aneurysm habang sumasailalim sa treatment sa isang ospital sa Metro Manila noong Mayo 30.

Nagsilbi bilang dating kinatawan ng lone district ng Occidental Mindoro ang dating kongresista noong 11th, 13th, 14th at 15th Congress.

Siya ay nahalal bilang Deputy Speaker noon namang 14th Congress.

Binigyan diin ni Speaker Lord Allan Velasco na kailanman ay hindi malilimutan ang mga adobokasiya ng namayapang dating kongresista lalo na ang tungkol sa karapatan ng mga kababaihan, rural electrification, matinong pabahay, pagprotekta sa kalikasan, kapakanan ng mga hayop, hospital emergency care, at public health emergency.

“Smart, motherly, and yet determined and fierce as a tamaraw, Tita Girlie, as Deputy Speaker of the House, made sure that the legislative mill of the 13th, 15th, and especially, the 14th Congresses continued to grind, despite any political and economic disorder,” ani Velasco.